Home IN PHOTOS ‘Zero Waste Undas’ ipinanawagan ng grupo

‘Zero Waste Undas’ ipinanawagan ng grupo

6
0
📸 Eric Ocapan

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng candle-lighting ceremony ang EcoWaste Coalition sa Manila North Cemetery nitong Huwebes, Oktubre 29, bilang panawagan para sa mas malinis at zero-waste na paggunita ng Undas ngayong taon.

Sa temang “Puede nang Mangarap ng Isang Malinis na Undas,” nakiisa rin sa aktibidad ang mga volunteer mula sa Samahan ng mga Mangangalakal sa Capulong.

📸 Eric Ocapan

📸 Eric Ocapan

Bukod sa pagsisindi ng kandila, nagsagawa rin ang grupo ng song and dance presentations at muling ipinakilala ang kanilang “Zombasura” character bilang paalala laban sa pagkakalat sa mga sementeryo at memorial parks.

“Basura sa Undas: Iwasan! Bawasan!” ang panawagan ng mga volunteer habang umiikot sa Manila North Cemetery.

Ayon kay EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, taon-taon ay nakikita pa rin ang tambak na basura, food wrappers, containers at iba pang kalat na iniiwan ng mga bumibisita sa mga sementeryo.

Ang bawat kandilang sinindihan sa seremonya ay sumisimbolo umano sa pangakong iwasan ang mga gawaing nakasasama sa kapaligiran at isulong ang mas malinis na All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Naglabas din ang grupo ng kanilang tinatawag na “Cemetiquette”, kabilang ang paggamit ng reusable food and drink containers, pag-iwas sa single-use plastics, tamang pagtatapon ng basura, paggamit ng locally grown flowers na walang plastic wrapping, at pagpili ng clean-burning candles.

Hinimok din ang publiko na huwag magsunog ng basura, manigarilyo o mag-vape sa loob ng sementeryo.

Magpapatuloy naman ang EcoWaste Coalition sa pagmomonitor ng waste situation sa iba’t ibang memorial parks sa Luzon sa Nobyembre 1 at 2, kabilang ang pagtatala ng dumpsites, waste segregation practices at mga insidente ng trash burning. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here