Home ENTERTAINMENT Pia, nag-flex ng BIR seal; Heart, binulabog!

Pia, nag-flex ng BIR seal; Heart, binulabog!

2
0

Manila, Philippines – Naku, mukhang may panibagong pinagkakaabalahan ang mga marites sa social media!

Sa dami ng puwedeng pag-usapan, heto’t muling nabuhay ang walang kamatayang pagkukumpara kina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach-Jauncey.

At ang bagong pasabog?

Hindi ito tungkol sa fashion, glam team o pagrampa, kundi sa BIR registration seal!

Usap-usapan kasi ang pag-flex ni Pia ng kanyang BIR registration seal kasabay ng paghikayat niya sa kapwa content creators, influencers at online sellers na sumunod sa mga requirement ng Bureau of Internal Revenue.

Ayun na! Hindi nakaligtas sa atensiyon ng mga netizen si Heart, na nakilala rin sa kanyang fashion at lifestyle content.

Ang tanong tuloy ng mga usisera: May BIR seal na rin kaya si Heart? Ipapakita rin kaya niya ito sa publiko?

Siyempre, hindi mawawala ang mga pasaring at pabirong komento ng mga kibitzer na tila naghihintay sa susunod na kabanata ng kuwentong ito.

May mga nagtanong kung nasaan ang BIR seal ni Heart, habang ang iba nama’y nag-abang kung may magiging reaksiyon ang fashion icon sa ipinakitang dokumento ni Pia.

Hindi tuloy maiwasang maalala ang dati nang pagkukumpara sa dalawang personalidad, na ilang ulit nang naging sentro ng online discussions.

Pero teka muna! Hindi porke’t walang nakikitang BIR seal sa social media ay nangangahulugang walang registration o hindi sumusunod sa buwis ang isang content creator.

Wala ring kumpirmasyong nagpapakitang may problema si Heart pagdating sa usaping ito.

Sa ngayon, ang tanong ng mga marites ay nananatiling tanong: May ipi-flex din kaya si Heart, o hahayaan na lamang niyang mag-abang ang mga netizen?

Abangan na lang natin kung magkakaroon ng reaksiyon si Heart sa usaping pinagkakaguluhan ngayon online!

Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here