Home NATIONWIDE Suspek na nang-abuso ng 7-anyos na nene arestado

Suspek na nang-abuso ng 7-anyos na nene arestado

20
0

MANILA, Philippines – Pagkatapos ng 10-taon na pagtatago sa batas, nakamit na din ang hustisya ng isang 7-anyos na batang babae nang maaresto ang suspek na nasa listahan ng Most Wanted Person (MPD) Region 4 sa Bacoor City, Cavite.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Franco Exequiel Manuel Sales Javier, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 109 Capas, Tarlac, inaresto ang suspek na si alyas Rodolf, nasa listahan ng Regional Most Wanted Person (MWP), PRO 4 sa kasong Statutory Rape.

Sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon. bitbit ang warrant of arrest ng pinagsamang puwersa ng RIT Cavite, RID 4A, nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Bgy Molino 1, Bacoor City, Cavite

Ang pagsasagawa ng operasyon ay alinsunod sa kampanya ng Rehiyon laban sa Sexual Offenders sa ilalim ng Project HULIWEEN.

Base sa tala ng pulisya, inabuso ng suspek ang 7-anyos na anak ng kanyang live-in partner noong September 2025 pero April 25, 2026 inireport ito sa Capas Municpal Police Station sa Tarlac na isinampa ng kanyang legal guardian

Nakaditine ngayon ang suspek sa Bacoor detencion cell at walang inirekomendang piyansa kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here