Home NATIONWIDE Seguridad mas hinigpitan sa inaugural session ng BARMM Parliament

Seguridad mas hinigpitan sa inaugural session ng BARMM Parliament

5
0

MANILA, Philippines – Walang magiging lockdown sa Cotabato City ngunit ipatutupad ang mas mahigpit na seguridad sa entry at border points sa makasaysayang inaugural session ng Bangsamoro Parliament.

Iginiit ng mga awtoridad ang kahalagahan ng maigting na monitoring sa rehiyon sa paghahanda sa landmark event.

Kabilang kasi dito ang paghalal at paglalagay ng bagong Chief Minister mula sa newly elected parliament members.

Nagsagawa na ng multi-phased security measure ang lokal na pulisya.

Kinumpirma rin ni City Police Director Police Colonel Jibin Bongcayao na nagpadala na ng karagdagang tropa sa iba’t ibnag lugar sa lungsod para bigyang seguridad ang high-profile event.

“We received concerning reports that is why we personally visited the areas and security points. We don’t want a repeat of the same chaotic scenario we’ve seen during the last election,” sinabi naman ni Brigadier General Edgar Catu matapos inspeksyunin ang mga pasilidad at security checkpoints.

“Enough of spreading lies and disinformation; it’s not helping the image of the Bangsamoro. Let’s rather unite to move forward,” sinabi naman ni Cotabato City Mayor Bruce Ali Matabalao sa kabila ng mga maling impormasyon na nagsasabing may manggugulo sa naturang event.

Hinimok ng alkalde ang mga residente na manatiling kalmado, piliin ang kapayapaan, at huwag magpatangay sa mga naghahasik ng takot para dungisan ang imahe at pag-unlad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here