ALBAY, Philippines – Pumutok ang Bulkang Mayon nitong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Iniulat ng mga residente sa Legazpi City ang malalakas na ugong at pagbuga ng malaking haligi ng abo mula sa bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, ang katamtamang lakas ng pagsabog ay nagbuga ng abo na umabot sa humigit-kumulang tatlong kilometro ang taas.
Ang Mayon, na kilala sa halos perpektong hugis-kono nito, ay matatagpuan may 330 kilometro sa timog-silangan ng Maynila. Itinuturing ito na isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa 24 na aktibong bulkan sa bansa.
Karaniwan ang mga lindol at aktibidad ng bulkan sa Pilipinas dahil matatagpuan ito sa Pacific Ring of Fire, kung saan nagbabanggaan ang mga tectonic plate sa ilalim ng ibabaw ng mundo. RNT/MDS