Home NATIONWIDE Proteksyon sa delivery, transport riders pinalawak ng DOLE ngayong El Niño

Proteksyon sa delivery, transport riders pinalawak ng DOLE ngayong El Niño

3
0

MANILA, Philippines – Pinalalawak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pakikipag-ugnayan sa stakeholders para palakasin ang proteksyon at welfare ng platform-based workers, partikular ang delivery at transport riders, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa gasoline stations at mall operators para magkaroon ng accessible welfare facilities sa gitna ng matinding init at hamon ng El Niño.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang kapakanan ng mga manggagawa, pinangunahan ni DOLE Secretary Francis N. Tolentino ang pulong kasama ang kinatawan ng platform companies, gasoline station operators, at mall operators noong Oktubre 30, 2026 sa DOLE Central Office sa Intramuros, Manila.

Tinalakay sa pulong ang mga praktikal na hakbang para mabigyan ang riders ng pasilidad kung saan maaari silang magpahinga, sumilong, at matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan habang naghihintay ng bookings o nagpapahinga sa pagitan ng biyahe.

Ayon kay Secretary Tolentino, karugtong ito ng naunang pulong noong Oktubre 23 kasama ang platform companies kaugnay sa panukalang labor advisory na ilalabas ng DOLE sa susunod na linggo.

“To give you a proper perspective, the reason why we are having this shared dialogue is because of a previous meeting. The previous meeting tackled several items concerning the proposed labor advisory which we are about to issue next week. Some players requested that you be invited likewise to hear your thoughts, listen to you, hear your voices. This is a weather disturbance not of our own making, but we hope to prepare you and the employees as well and the general public,” ani Tolentino.

Hiniling ng Kalihim sa mall operators at gasoline retailers na magsumite ng kanilang position papers sa panukalang labor advisory hanggang Nobyembre 3, 2026.

Binigyang-diin ng DOLE na mahalaga ang shared responsibility ng gobyerno, digital platform companies, at pribadong sektor sa pagtugon sa occupational safety and health concerns ng mga manggagawang matagal na nasa labas at kalsada sa gitna ng matinding init.

Suportado rin ng inisyatiba ang pagsusulong ng Pilipinas ng decent work sa platform economy, alinsunod sa ILO Convention No. 193 na pinagtibay noong Hunyo 2026 bilang kauna-unahang international labour standard sa platform work. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here