Home METRO Baywatch patrols sa mga beach sa NMindanao, pinatindi ng PCG

Baywatch patrols sa mga beach sa NMindanao, pinatindi ng PCG

3
0

NORTHERN MINDANAO, Philippines – Pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG), sa pamamagitan ng Coast Guard District Northern Mindanao (CGDNM), ang Baywatch Patrol operations sa iba’t ibang beach at baybaying lugar sa Northern Mindanao bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2026.

Nagsasagawa ang mga tauhan ng Coast Guard ng mahigpit na pagbabantay at safety patrols upang matiyak ang kaligtasan ng mga naliligo sa mga beach, maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente sa dagat at makapagbigay agad ng tulong sa mga nangangailangan.

Layon din ng mga hakbang na ito na mapanatili ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa inaasahang pagdami ng mga bisita ngayong holiday period, at matiyak ang ligtas na kapaligiran sa mga baybaying komunidad sa buong paggunita ng Undas 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here