Home NATIONWIDE “Mag-ingat dahil bawat bahay na nasusunog damay ang kapitbahay”: Bong Go muling...

“Mag-ingat dahil bawat bahay na nasusunog damay ang kapitbahay”: Bong Go muling pinagtibay people-centered service sa pagtulong sa mga pamilyang nasunugan sa Davao City

4
0

DAVAO CITY, Philippines – Personal na binisita ni Sen. Christopher “Bong” Go noong Miyerkules, Oktubre 28, ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay 75-A Matina Aplaya upang maghatid ng agarang tulong at suportahan ang kanilang pagbangon.

Bago ang pamamahagi ng ayuda, nagtungo si Go sa pinangyarihan ng sunog upang personal na makita ang lawak ng pinsala at kalagayan ng mga residente.

Ikinuwento rin ng senador ang pagkakakilala niya sa isa sa mga residente sa lugar.

“Gikan ko sa inyong lugar nga nasunugan. Naa pa gani ko nakit-an didto si Jun Elecion, siya tung cook, kusinero didto sa Yellow Fin sauna. Monggo na ilang haluan og bulad ug ampalaya. Mao na ang paborito ni Tatay Digong sauna,” ani Go.

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa Shanghai Gym sa loob ng barangay, kasunod ng sunog noong Oktubre 25 na nag-iwan ng maraming pamilyang nangangailangan ng suporta.

Kasama ang kanyang Malasakit Team, namahagi si Go ng pinansiyal na ayuda, mga lalagyan ng tubig, grocery pack, meryenda, bitamina, damit, basketball at volleyball. Ilang benepisyaryo rin ang nakatanggap ng bisikleta, cellphone, sapatos at relo.

Hinimok din ni Go ang mga pamilyang naapektuhan na magtulungan at huwag mawalan ng pag-asa. Aniya, maaaring mapalitan ang mga materyal na bagay ngunit hindi ang buhay ng tao.

“Ang akong isulti lang, magtinabangay kitang tanan. Ang gamit, mapalit. Ang kwarta, kitaon nato na pero ang kinabuhi dili mapalit sa kwarta. A lost life is a lost life forever. Ayaw mo kawad-an og paglaum,” aniya.

(Ang masasabi ko lang, magtulungan tayong lahat. Ang mga gamit, nabibili. Ang pera, kikitain natin iyan, pero hindi kayang tumbasan ng pera ang buhay ng tao. A lost life is a lost life forever. Huwag kayong mawalan ng pag-asa.)

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng fire prevention at pagbibigay ng kaalaman sa publiko tungkol sa kaligtasan, dahil maaari ring maapektuhan ng sunog ang mga kalapit na bahay.

“Ana man gyud ang kinabuhi dili nato masukod, maabtan kitag malas, masunugan ta. Mao isip isa sa mga author sa Senado sa Bureau of Fire Modernization Act, mao na ang karagdagang kagamitan sa fire fighters, karagdagang personnel, ug ang monthly education campaign. Dapat matudluan jud mo nga mag amping ba, mag-ingat dahil bawat bahay na nasusunog damay ang kapitbahay,” dagdag niya.

(Hindi talaga natin matitiyak ang takbo ng buhay. Maaari tayong makaranas ng kamalasan at masunugan ng bahay. Kaya bilang isa sa mga may-akda ng Bureau of Fire Modernization Act sa Senado, isinusulong natin ang karagdagang kagamitan para sa mga bumbero, dagdag na personnel, at buwanang kampanya sa edukasyon. Dapat talaga kayong maturuang mag-ingat dahil sa bawat bahay na nasusunog, damay ang mga kapitbahay.)

Kabilang sa mga isinusulong ni Go ang Republic Act No. 11589 o Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act, na pangunahing inakda at ini-sponsor niya. Layunin ng batas na mapahusay ang kakayahan ng BFP sa pamamagitan ng karagdagang kagamitan, tauhan at specialized training.

Binanggit din niya ang Republic Act No. 12076 o Ligtas Pinoy Centers Act, na nilagdaan noong Disyembre 6, 2024. Itinatakda ng batas ang pagtatayo ng permanente, ligtas at kumpletong evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Sa pakikipag-usap sa mga opisyal ng barangay na pinangunahan ni Barangay Captain Nestor Cirunay, hiniling ni Go na huwag pabayaan ang mga residenteng nangangailangan ng tulong matapos ang sunog, baha, lindol at iba pang kalamidad.

“Ako, full support ko sa atong mga barangay officials. Naa lang koy hangyo sa mga kapitan nga dili pasagdan ang atong mga kaigsuonan nga naapektuhan—mga nasunugan, nabahaan, naigo sa linog, o bisan unsang kalamidad. Kinahanglan naa silay maduolan,” aniya.

(Buo ang suporta ko sa ating mga barangay officials. May pakiusap lang ako sa mga kapitan: huwag pabayaan ang ating mga kababayan na naapektuhan ng sunog, baha, lindol, o anumang kalamidad. Dapat ay mayroon silang malalapitan.)

Bilang vice chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, hinikayat din niya ang mga residente na lumapit sa Malasakit Center sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City kung nangangailangan ng tulong medikal.

Pinagsasama ng Malasakit Centers ang mga serbisyo ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office upang mapadali ang pagkuha ng tulong medikal at pinansiyal ng mga mahihirap at walang kakayahang magbayad ng gastusing pangkalusugan.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o Malasakit Centers Act of 2019. Ayon sa DOH, mayroon nang 167 Malasakit Center sa buong bansa na nakatulong sa mahigit 17 milyong Pilipino.

Sa huli, muling tiniyak ni Go sa 42 pamilyang benepisyaryo ang kanyang patuloy na pagsuporta sa kanilang komunidad.

“Trabaho gyud ko. Serbisyo, sipag, at pagmamalasakit ang pwede kong i-alay sa inyo, mga kababayang pIlipino. Ni-a ra ko diri, inyong silingan na muserbisyo sa inyo sa abot sa akong makaya. Palangga mo nako nganhi sa Matina Aplaya,” pagtatapos niya.

(Patuloy akong magtatrabaho. Serbisyo, sipag, at pagmamalasakit ang maiaalay ko sa inyo, mga kababayang Pilipino. Nandito lang ako, ang inyong kapitbahay na naglilingkod sa inyo sa abot ng aking makakaya. Mahal ko kayo rito sa Matina Aplaya.) RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here