Home METRO Misis sugatan nang barilin ng live-in partner sa Cavite

Misis sugatan nang barilin ng live-in partner sa Cavite

2
0

MANILA, Philippines – Isang babae ang sugatan makaraang barilin ng kanyang live in partner habang nasa mainitang pagtatalo sa Brgy Panapaan 3, Bacoor City, Cavite.

Sa report ng pulisya, kinilala ang biktima na si alyas Normi, nasa hustong gulang na residente ng Sitio Malagihay ng nasabing lungsod.

Kaagad naman nadala sa Las Piñas City hospital ang biktima na nagtamo ng tama ng baril sa tiyan.

Nakilala naman ang suspek at live in partner ng biktima na si alyas Michael, 45 na nakatira sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-4:30 ng madaling araw ay dumating sa kanilang bahay ang mag live-in nang ilang saglit ay nagkaroon na umano ito ng mainitang pagtatalo.

Napag-alaman na sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, kaagad na pinagbabaril ng suspek ang kanyang live-in partner.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek at sumakay sa kanyang kulay itim na motorsiklo sa hindi nabatid na direksiyon habang ang biktima ay isinugod sa ospital at kasalukuyang ginagamot.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pinagmulan ng away ng dalawa na humantong sa pamamaril ng suspek. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here