Home NATIONWIDE Road slip repair sa Marcos Highway nakumpleto na

Road slip repair sa Marcos Highway nakumpleto na

4
0

MANILA, Philippines – Nakumpleto na ang dating nasirang bahagi ng Marcos Highway sa Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet at binuksan na sa mga motorista kasabay ng pagdiriwang ng Undas.

Ininspeksyon ni Public Works Secretary Giovanni “Banoy” Lopez ang nagpapatuloy na repair works at sinabing ang pagbubukas nito ay tumutugon sa pangako ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ibalik ang normal na daloy ng trapiko sa lugar na nag-ooperate sa one-way scheme mula pa noong 2015.

“Kung maalala ninyo, nitong nakaraang Mayo 2026, binisita po ito ni Secretary Vince Dizon. At talagang inatasan niya si RD (regional director) at si DE (district engineer) na ayusin na po itong problema dito,” ani Lopez.

“Kasi since 2025 po, one way lang po ang nagagamit dito at laking perwisyo po sa mga taong nakatira dito, hindi lang po doon sa mga bumabiyahe po dito,” dagdag pa.

Sinabi ng DPWH chief na hindi makakaapekto sa mga nagpapatuloy na proyekto ang pagpapalit ng liderato sa ahensya.

“Ang utos talaga ng Pangulo, kung ano man yung commitment po ni Secretary Vince, kung ano mga proyekto na nabinbin, kailangan na ipagpatuloy lang,” sinabi ni Lopez.

“Yung commitment na yun ay hindi lang po commitment sa Pangulo, hindi lang po commitment kay Secretary Vince, but higit sa lahat, commitment po yun sa taong bayan.”

“May utos din ang Pangulo na lahat na sana yung mga urgent major road repairs kailangan matapos po ng October 30 para magamit ngayong Undas,” sinabi pa niya.

“Pinabuksan na po ng ating Pangulo itong kalsadang ito, 6 p.m. last night, para magamit na rin po ng ating taong bayan, ng ating komunidad.”

Pinuri naman ni Lopez ang mga lokal na opisyal ng DPWH sa pag-abot sa target timetable.

“Nung sinabi po nila RD Edith [Babaran], sinabi din po ng DE, nakakayanin nila sa limang buwan, we’re going to hold them on their commitment,” aniya.

“Makakaasa po kayo na patuloy rin po natin talagang tututukan lahat ng proyekto ng DPWH tulad po nito. Kung ano po yung mga na-commit po ni Secretary Vince at ng ating Pangulo, ay tutuparin naman po natin yan.”

Nangako rin si Lopez na iinspeksyunin nito ang iba pang nagpapatuloy na road project sa Benguet kabilang ang mga lugar malapit sa Ambuklao at Benguet-Nueva Vizcaya Road. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here