Home NATIONWIDE Dumagsa sa Manila North Cemetery, halos 1M na!

Dumagsa sa Manila North Cemetery, halos 1M na!

3
0

MANILA, Philippines – Limang oras bago ang pagsasara ng Manila North Cemetery (MNC) ay pumalo na sa halos isang milyon ang dumagsa na indibidwal ngayong Linggo, Nobyembre 1.

Sa pinakahuling datos ng MNC at Manila Police District Command Post, umabot na sa kabuuang 976,200 ang crowd estimate as of 3pm.

Maaari pang magbago at tumaas ang bilang na ito dahil kada oras ang pag-a update ng datos.

Samantala, tatlong bata naman ang iniulat na nawalay sa kanilang magulang sa kabila ng mahigpit na paalala sa mga magulang na huwag nang magdala ng kanilang mga chikiting upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Naibalik din ang naturang mga bata sa kanilang magulang at guardian matapos silang ipanawagan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here