Home NATIONWIDE Mahigit 4,600 bumisita sa Manila North Cemetery sa Nob. 2

Mahigit 4,600 bumisita sa Manila North Cemetery sa Nob. 2

3
0

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagdating ng mga bumibisita sa Manila North Cemetery (MNC) ngayong Nobyembre 2, bagama’t mas kakaunti kumpara sa dagsa ng mga tao noong All Saints’ Day.

Hanggang alas-8 ng umaga, umabot sa 4,610 ang naitalang pumasok sa sementeryo.

Ayon sa pamunuan ng MNC, karamihan sa mga bumisita ngayong araw ay mga nagpasyang huwag makipagsabayan sa siksikan noong Nobyembre 1.

Mahigit 1.3 milyong indibidwal ang naitalang bumisita sa Manila North Cemetery kahapon para dalawin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Nananatili naman ang mahigpit na seguridad sa mga entrance ng sementeryo.

Pinabubuksan sa mga bisita ang kanilang mga bag para sa inspeksyon habang kinukumpiska ang mga bagay na ipinagbabawal dalhin sa loob ng MNC.

Patuloy din ang pagbabantay ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang paggunita sa Undas ngayong All Souls’ Day. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here