Home NATIONWIDE 1.2M pasaherong nagsisiuwian na, naitala sa mga pantalan  — PCG

1.2M pasaherong nagsisiuwian na, naitala sa mga pantalan  — PCG

3
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1.2 milyon ang kabuuang bilang ng inbound at outbound passengers na naitala sa mga pantalan sa bansa sa pagpapatuloy ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2026, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na inaasahan ang panibagong pagdagsa ng mga pasahero ngayong hapon kasabay ng pagbabalik ng mga biyahero at bakasyunista mula sa kani-kanilang probinsya matapos ang paggunita ng Undas.

Patuloy namang nakaalerto ang PCG sa iba’t ibang pantalan upang bantayan ang sitwasyon at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

Inaasahan ding tataas pa ang passenger volume habang nagpapatuloy ang return trip ng mga nagbakasyon sa mga lalawigan.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here