MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasawi habang nasa 120 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City nitong Lunes.
Ayon sa Quezon City Fire District (QCFD), natagpuan ang bangkay ng isang lalaki at kanyang kinakasama sa loob ng comfort room ng inuupahan nilang bahay.
Nagsimula ang sunog bago mag-alas-5 ng hapon at umabot sa ikaapat na alarma.
Tuluyan itong naapula bandang alas-10:50 ng gabi.
Tinatayang nasa 200 pamilya ang naapektuhan ng insidente.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. Santi Celario