Home NATIONWIDE P214.2-M ilegal na droga nasamsam sa 1 linggong PDEA ops

P214.2-M ilegal na droga nasamsam sa 1 linggong PDEA ops

5
0
(Image representation only)

MANILA, Philippines – Umabot sa P214.20 milyon halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa magkakasunod na operasyon ng mga awtoridad sa buong bansa mula Oktubre 22 hanggang 29, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ng PDEA na nagsagawa ito ng 88 enforcement activities kabilang ang buy-bust, interdiction, search and seizure, marijuana eradication at recovery operations.

Aabot naman sa 120 drug personalities ang naaresto sa nasabing panahon, kabilang ang 55 umano’y drug pusher, 22 drug den visitor o client, 15 drug den maintainer o owner, 15 empleyado ng drug den, 12 drug possessor at isang importer.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 3,193.01 gramo ng shabu, mahigit 13 kilo ng high-grade marijuana o kush, halos 49.5 kilo ng dried marijuana leaves, marijuana plants at seedlings, marijuana oil at 33,674 gramo ng ketamine.

Sa apat na magkakahiwalay na operasyon sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, nasabat ang kabuuang 33,674 gramo ng ketamine mula Oktubre 22 hanggang 27.

Nasamsam din ang 7,113.80 gramo ng kush sa Pasay City noong Oktubre 26 at 5,994 gramo sa Parañaque City noong Oktubre 23.

Samantala, sa mga buy-bust operation, 911.39 gramo ng shabu ang nakumpiska sa Zamboanga City noong Oktubre 23 habang 577.07 gramo naman ang nasamsam sa Tagbilaran City, Bohol noong Oktubre 28.

Sa Benguet, 2,000 marijuana plants at 1,600 seedlings ang binunot at sinira sa mga operasyon sa Kapangan, Bakun at Kibungan.

Tiniyak ni PDEA Director General Isagani Nerez na magpapatuloy ang pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga katuwang ang iba pang law enforcement agencies. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here