Home NATIONWIDE North Korea itinangging sangkot sa $6-B Binance crypto heist

North Korea itinangging sangkot sa $6-B Binance crypto heist

3
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng North Korea ang akusasyon ng United States na sangkot ito sa pagnanakaw ng mahigit $6 bilyong cryptocurrency assets mula sa Binance.

Sa pahayag na iniulat ng Korean Central News Agency, tinawag ni Kim Yo Jong, kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un, na “absurd rhetoric” ang alegasyon ng US Federal Bureau of Investigation (FBI).

Ayon kay Kim, isa umano itong “grave political provocation” at pagtatangka ng Washington na ilarawan ang Democratic People’s Republic of Korea bilang isang “cyber criminal state.”

Nauna nang sinabi ng FBI na North Korean actors na tinatawag nitong “TraderTraitor” ang responsable sa pagnanakaw ng mahigit $6 bilyong virtual assets mula sa Binance noong Oktubre 29.

Ayon sa FBI, namataan nitong kino-convert ng mga sangkot ang ilan sa mga ninakaw na assets patungong Ether at inaasahang daraan pa ang mga ito sa iba pang laundering stages.

Hinimok din ng ahensya ang cryptocurrency companies at iba pang virtual asset service providers na harangin ang mga transaksyong konektado sa tinukoy nitong blockchain addresses.

Samantala, iginiit ni Kim na muling ipinakita ng akusasyon ang umano’y hostile attitude ng Washington laban sa Pyongyang.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang Binance sa mga awtoridad at cryptocurrency industry partners upang ma-trace at mabawi ang mga ninakaw na assets. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here