CAGAYAN, Philippines – Sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang safety certificate ng MBca OTAY matapos magkaroon ng hull failure noong Nobyembre 1, 2026 sa San Vicente, Santa Ana, Cagayan.
Batay sa paunang ulat, nagkaroon ng butas sa katawan ng bangka na naging sanhi ng pagpasok ng tubig.
Agad na nasagip ng PNP Maritime Group ang walong pasahero at walang naitalang nasawi.
Sinuspinde rin ng MARINA Regional Offices I at II ang Wooden-Hulled Recreational Safety Certificate (WHRBSC) ng bangka, gayundin ang Seafarers Identification Books (SIBs) ng kapitan at motorman nito habang iniimbestigahan ang insidente.
Tiniyak ng MARINA na mahigpit nitong ipatutupad ang mga pamantayan sa kaligtasan sa karagatan para maprotektahan ang publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden