Home NATIONWIDE Pasensya ng taumbayan sinusubok ng mga ‘kapalmuks’ sa 2027 budget – Lacson

Pasensya ng taumbayan sinusubok ng mga ‘kapalmuks’ sa 2027 budget – Lacson

4
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Senador Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules, Nobyembre 4, na muli na namang sinusubok ang pasensya ng taumbayan sa mga “kapalmuks” sa mga alokasyon sa proposed 2027 national budget.

“When anger meets vigilance, greed and callousness face a fierce fight. The flood control scandal has barely settled, yet the ‘kapalmuks’ of the world are testing the limits of the people’s patience yet again,” ani Lacson.

“I would like to think they are wrong this time,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat si Lacson sa People’s Budget Coalition (PBC) at iba pang grupo sa paninindigan sa panawagan ng accountability.

Isinusulong kasi ng PBC ang mas mahigpit na pagbusisi sa proposed P7.2-trillion national budget para sa 2027, at pinuna ang mahigit P1 trilyong halaga ng mga alokasyon na tinukoy na potensyal na “pork” o red flags.

Nagbabala rin ang grupo na posibleng maulit ang flood control scandal kung ang House-approved General Appropriations Bill ay maipapasa nang hindi natutugunan ang mga kwestyonableng infrastructure allocations. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here