Bulacan – Patay ang isang motorcycle rider nang aksidenteng bumangga sa gilid ng kalsada sa bayan ng Bulakan nitong gabi ng Nobyembre 4.
Sa ulat at sa Facebook post na nag-viral tungkol dito, naganap ang insidente bandang 11:20 ng hating gabi sa Purok 4, Brgy. Tibig ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang barangay mula sa isang concerned citizen na may motorsiklong bumangga sa gilid ng kalsada.
Dahil dito, rumesponde ang nga tauhan ng barangay na agad nakipag-ugnayan sa MDRRMO para karagdagang tulong at paunang lunas.
Nabatid na ang biktima ay pawang lalaking 57 anyos, residente ng Brgy. Balubad na nagtamo ng mga sugat sa binti, braso at hinhialang internal bleeding sa ulo dahil sa lakas ng pagkakasalpok nito.
Sinasabing agad dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima para sa atensyong medikal subalit sa kasamaang palad ay idineklarang wala ng buhay.
Paalala ng kinauukulan sa mga motorista, mag-ingat sa pagmamaneho, sundin ang batas -trapiko, tiyaking nakasuot ng protective gear, iwasang magmaneho ng nakainom at alalahaning may pamilyang naghihintay. Dick Mirasol III