MANILA, Philippines — Makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal dahil sa emergency repairs at maintenance activities ng Manila Water.
Ayon sa Manila Water, isinasagawa ang mga pagkukumpuni upang mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na suplay ng tubig.
Pinayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na tubig bago magsimula ang service interruption.
Nobyembre 4, 10 p.m. hanggang Nobyembre 5, 4 a.m.
• Taytay, Rizal – ilang bahagi ng Brgy. Dolores
• Makati City – Brgy. San Antonio
• Binangonan, Rizal – B. Mesa St., Mahabang Parang, at ilang bahagi ng Batingan
• Taguig City – Brgy. Wawa
• Marikina City – Concepcion Uno, Concepcion Dos at Marikina Heights
• Binangonan, Rizal – Macamot
• Teresa, Rizal – ilang bahagi ng Brgy. Dulumbayan
• Marikina City – San Roque at Sta. Elena
Karamihan sa mga aktibidad ay kaugnay ng emergency leak repairs, line declogging at maintenance.
Nobyembre 5, 10 p.m. hanggang Nobyembre 6, 4 a.m.
• Marikina City – Parang
• Binangonan, Rizal – Tatala, Macamot at Mambog
• Antipolo City – ilang bahagi ng Brgy. San Roque
• San Mateo, Rizal – Brgy. Malanday
Isasagawa sa mga lugar ang line declogging, zero-pressure testing at interconnection works.
Nobyembre 10, 10 p.m. hanggang Nobyembre 11, 4 a.m.
• Cainta, Rizal – ilang bahagi ng Brgy. San Juan
• Cainta at Taytay, Rizal – Brgy. San Juan sa Cainta at Brgy. Sta. Ana at Brgy. San Juan sa Taytay
Kabilang sa nakatakdang gawain ang meter replacement at valve insertion.
Sinabi ng Manila Water na ang emergency repair works ay ginagawa rin upang maibalik sa normal ang suplay at mabawasan ang pagkawala ng tubig dulot ng mga tagas. Dave Medina