Home NATIONWIDE DOLE suportado 10-member pool ng NLRC labor arbiters para sa OFWs

DOLE suportado 10-member pool ng NLRC labor arbiters para sa OFWs

4
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbuo ng 10-member pool ng labor arbiters ng National Labor Relations Commission (NLRC) na tututok sa mga nakabinbing kaso ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Labor Acting Secretary Francis Tolentino, layunin ng hakbang na gawing mas mabilis at mas accessible ang labor justice at proteksyon para sa mga OFW.

Tiniyak ni Tolentino na susuportahan ng DOLE ang NLRC sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang operational support, pagpapalakas ng legal programs at case management, paggamit ng digital filing at hearings, at pagpapalawak ng conciliation at mediation.

Aniya, layunin nitong maresolba nang mas maaga ang mga labor dispute bago pa tumagal ang mga kaso at humantong sa mas magastos na litigation.

Binigyang-diin din ni Tolentino ang mahalagang papel ng NLRC sa pagpapanatili ng industrial peace at pagtataguyod ng karapatan ng mga manggagawa at employer.

Giit niya, ang labor justice ay hindi awa o pabor na ibinibigay ng malalakas sa mahihina, kundi isang constitutional mandate na nag-aatas sa Estado na magbigay ng buong proteksyon sa mga manggagawa.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here