Home NATIONWIDE Legarda, nanawagan ng patas na imbestigasyon sa pagtatapon ng mga labi ng...

Legarda, nanawagan ng patas na imbestigasyon sa pagtatapon ng mga labi ng alagang hayop sa Bulacan

4
0

MANILA, Philippines – Nakiisa si Sen. Loren Legarda sa mga kapwa senador sa panawagan para sa masusing at patas na imbestigasyon sa napaulat na pagtatapon ng mga labi ng mga aso at pusa sa Bulacan, na tinawag niyang “deeply disturbing” at “unconscionable.”

Mariing kinondena ni Legarda ang umano’y pagtatapon ng mga labi ng mga namatay na aso at pusa sa San Jose del Monte, Bulacan, na posibleng kinasasangkutan ng isang pet cremation service provider.

“I strongly condemn the reported dumping of deceased dogs and cats in San Jose del Monte, Bulacan, allegedly involving a pet cremation service provider. The circumstances surrounding this incident are deeply disturbing and demand immediate investigation and accountability,” pahayag ni Legarda nitong Huwebes.

“Our pets are cherished members of our families. For their owners, entrusting their remains to a cremation service is a final act of love and respect. To allegedly exploit that trust, collect payment for services that may not have been rendered, and discard their remains without dignity is unconscionable,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi nina Sen. JV Ejercito at Sen. Pia Cayetano na isusulong nila ang imbestigasyon upang matukoy ang mga kakulangan at mapalakas ang umiiral na mga hakbang para sa kapakanan ng mga hayop.

Sinuportahan naman ni Legarda ang masusing at patas na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at iba pang kinauukulang ahensya upang mapanagot at masampahan ng kaso sa korte ang mga responsable.

“Those who deliberately deceive grieving pet owners must be held accountable under the law,” ani Legarda.

Ayon sa senador, nagdudulot din ang insidente ng seryosong usapin tungkol sa regulasyon at pagbabantay sa mga serbisyong may kaugnayan sa pet cremation at aftercare.

Nanawagan siya sa Department of Agriculture, sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry, at sa mga Department of the Interior and Local Government, Environment and Natural Resources, Health, at Trade and Industry na suriin ang umiiral na mga pananggalang, imbestigahan ang posibleng paglabag sa mga regulasyon, at tiyaking legal at responsable ang operasyon ng mga establisimyento.

“We must strengthen the standards governing these services to prevent similar incidents from happening again,” pahayag niya.

“Compassion for animals does not end with their passing. We owe them dignity, and we owe their families honesty, respect, and accountability,” dagdag pa ng senador.

Iniulat na dinala ang mga labi ng mga alagang hayop sa Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor City, Cavite, ngunit kalaunan ay itinapon sa isang bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa pulisya, nasa 250 indibidwal na ang naghain ng reklamo laban sa pet cremation service provider. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here