Home METRO Nene hinalay ng kinakasama ng ina, suspek arestado

Nene hinalay ng kinakasama ng ina, suspek arestado

4
0

MALABON CITY, Philippines – Arestado ang 28-anyos na kelot matapos akusahan ng seksuwal na pang-aabuso sa 11-anyos na anak ng kanyang kinakasama sa Malabon City.

Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, wala umano sa kanilang bahay sa Barangay Catmon ang ina ng biktima nang gapangin at umano’y halayin ng suspek noong Martes ng madaling araw.

Matapos nito, pinagbantaan ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong kahit kaninosubalit, naglakas loob pa rin ang bata na ipinaalam sa kanyang ina ang ginawa ng amain.

Kaagad humingi ng tulong sa pulisya ang mag-ina kaya agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ni P/Maj. Joseph Alcazar, Commander ng Malabon Police Sub-Station 4, na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

Mahaharap sa kasong Rape na may kaugnayan sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. Rene Manahan/Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here