Home ENTERTAINMENT Kapatid ni Echo, aminadong hindi na sila nag-uusap!

Kapatid ni Echo, aminadong hindi na sila nag-uusap!

3
0

Manila, Philippines – Sa isang panayam, sinabi ni Jeremiah Rosales, nakakabatang kapatid ni Jericho, na hindi na sila nag-uusap ng kanyang Kuya.

Katunayan, nagbigay na raw ng ultimatum ang aktor na hindi na siya pakikialaman.

Aminado naman siyang nag-relapse siya sa kanyang masamang bisyo o pagdo-droga.

Ayon pa sa kanya, si Echo raw ang nag-push sa kanya para pumasok sa rehab facility.

Pero feeling daw niya ay hindi nakatulong sa kanya ang pamamalagi sa nasabing pasilidad ng mahigit isang taon.

Pakiramdam daw kasi niya, mas makakabawi siya sa kanyang pagkalugmok sa bisyo nang walang medical intervention.

Hindi raw naman niya minamasama ang mga tulong na naibigay sa kanya ng kapatid dahil naiinitindihan din niya na meron din itong pinagdadaanan pagdating sa sariling pamilya.

Sa kasalukuyan, kahit na kung minsan ay nagigipit ay umiiral pa rin daw sa kanya ang pride na lumapit sa kapatid.

Sanay din naman siya sa hirap at nakakadiskarte naman sa buhay sa pamamagitan ng pagtitinda.

Gayunpaman, kahit daw hindi na sila nagkikita ni Echo o tinitikis siya nito ay alam niyang naroon pa rin ang malasakit ng huli sa kanya.

Katunayan, nang magkita raw si Echo at ang anak niyang babae na nag-aartista na rin sa isang network ay kinumusta siya ng utol through her daughter.

Matatandaang ang dating actor na si Jeremiah ay napabalitang nawawala mula pa noong Hunyo pagkatapos na magtago ito sa Bicol dahil tumakas ito sa isang rehab center sa Batangas. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here