Home NATIONWIDE Low-level threat minomonitor ng PNP sa ASEAN Summit

Low-level threat minomonitor ng PNP sa ASEAN Summit

3
0

MANILA, Philippines – May minomonitor na low-level threat ang Philippine National Police (PNP) sa paparating na 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong buwan, ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Biyernes, Nobyembre 6.

Sa ambush interview, sinabi ni Nartatez na naghahanda na ang PNP sa mga pagpupulong ng mga head of state.

“We are eyeing a low-level threat as of now,” sinabi ni Nartatez.

Sisiguruhin ng PNP ang kaligtasan ng lahat ng mga dadalo kabilang ang mga bibisitang VIP at delegado, maging ang mga venue.

May sapat naman na pwersa ang kapulisan, logistical resources, at pondo para sa paghahanda.

Makikipag-ugnayan din ang PNP sa iba pang ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan para sa mga aktibidad sa ASEAN.

“We will be using our resources fully and we’ll be declaring the necessary alert status of the Philippine National Police,” sinabi ni Nartatez.

Nakatakdang pangunahan ng Pilipinas ang 49th ASEAN Summit and Related Summits mula Nobyembre 16 hanggang 18. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here