Home NATIONWIDE Padilla nanawagan ng makatarungang pagdinig sa pagbabalik ng impeachment trial

Padilla nanawagan ng makatarungang pagdinig sa pagbabalik ng impeachment trial

2
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senator Robin Padilla na dapat bigyan ng patas na pagkakataon ang defense team ni Vice President Sara Duterte na maidepensa ang mga artikulo sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Nobyembre 9.

Ginawa ng senador ang pahayag sa kanyang pagdalo sa kanyang preliminary investigation sa Department of Justice nitong Nobyembre 6.

Giit ng senador, mahalagang marinig hindi lamang ang panig ng prosekusyon kundi maging ang mga paliwanag ng depensa at ang kanilang ipiprisintang mga ebidensya.

Binigyang-diin niyang dapat masunod ang due process, gaano man katagal ang paglilitis.

Umaasa rin siyang mabibigyan ng pagkakataon ang depensa na talakayin ang iba pang mga artikulo ng impeachment at hindi lamang ang Article II na may kaugnayan sa umano’y unexplained wealth.

Sinabi ni Padilla na pag-uusapan pa nila kung ano ang magiging hakbang sa unang araw ng pagbabalik ng paglilitis.

Nakatakdang simulan ng kampo ni Duterte ang paghaharap ng kanilang depensa sa Lunes, matapos pormal na magpahinga ang panig ng prosekusyon at bawiin ang tatlo sa apat na artikulo ng impeachment. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here