Home NATIONWIDE LRT-1, magbibigay ng libreng sakay sa Nobyembre 9, 11 at 13 para...

LRT-1, magbibigay ng libreng sakay sa Nobyembre 9, 11 at 13 para sa ASEAN Summit

6
0

MANILA, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa loob ng tatlong araw bilang bahagi ng paggunita sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2026.

Ayon sa LRT-1 sa Facebook post nito, maaaring makasakay nang libre ang mga pasahero sa mga sumusunod na petsa: Nobyembre 9, Lunes; Nobyembre 11, Miyerkules; at Nobyembre 13, Biyernes.

Iiral ang libreng sakay tuwing rush hour, mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.

“Let’s be Together in Motion for ASEAN 2026, mga KasamBiyahe!” ayon sa LRT-1. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here