Home METRO Estudyante hinoldap, sinaksak sa Antipolo; suspek arestado

Estudyante hinoldap, sinaksak sa Antipolo; suspek arestado

2
0

ANTIPOLO CITY – Sugatan ang isang estudyante matapos umano siyang holdapin at saksakin ng isang lalaki habang pauwi mula sa paaralan sa Marcos Highway, Barangay San Luis nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 6.

Ayon sa Rizal Police Provincial Office, nilapitan ng 18-anyos na suspek ang biktima dakong alas-7:30 ng gabi at tinanong kung anong oras na.

Nang ilabas ng estudyante ang kanyang cellphone upang tingnan ang oras, bigla umanong nagdeklara ng holdap ang suspek at pilit kinuha ang gadget.

Nang tumanggi ang biktima, dalawang beses umano siyang sinaksak at tinamaan sa kanang braso at kaliwang bahagi ng kilikili.

Tumakas ang suspek dala ang cellphone ngunit hinabol siya ng biktima at humingi ng tulong sa mga barangay personnel at residente.

Naaresto kalaunan ang suspek na kinilalang alyas “Utoy.”

Narekober sa kanya ang cellphone ng biktima at isang 12-pulgadang improvised bladed weapon.

Nakakulong na ang suspek sa Antipolo City Police Station custodial facility at nahaharap sa kasong robbery.

Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here