MANILA, Philippines – Walang nakahula sa winning combination ng Grand Lotto 6/55 na may jackpot prize na ₱349,051,462.79 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 9.
Ang lumabas na mga numero ay 53-44-36-18-20-28.
Wala ring nakapag-uwi ng ₱15 milyong jackpot sa Mega Lotto 6/45 matapos walang tumama sa kombinasyong 29-27-12-11-43-05.
Samantala, narito ang mga resulta ng iba pang lotto games:
4D Lotto: 1-9-7-9
3D Lotto:
2 PM – 5-9-7
5 PM – 1-1-9
9 PM – 9-3-4
2D Lotto:
2 PM – 01-19
5 PM – 27-20
9 PM – 01-09
Nakatakda ang susunod na Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 draw sa Miyerkules, Nobyembre 11.
Maaaring tingnan ng mga mananaya ang opisyal na resulta sa website ng PCSO. RNT