Home NATIONWIDE Pagbabalik ng turboprop aircraft sa NAIA, suportado ni Zubiri sa pagpapasigla ng...

Pagbabalik ng turboprop aircraft sa NAIA, suportado ni Zubiri sa pagpapasigla ng turismo

9
0

MANILA, Philippines – Pinaburan ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang panawagan na alisin ang ban sa turboprop aircraft sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magpapalakas sa domestic tourism sa bana.

Sa pahayag, nagbabala si Zubiri na nagpapamahal, nagpapahirap, at nagpapahirap na ma-access ng ordinaryong Pilipino ang domestic travel ang sapilitang paglipat ng mga flight sa Clark at iba pang regional airports ay

“We are killing domestic travel. Ever since turboprops were transferred from NAIA to Clark, domestic flights have become more expensive and become more logistically inaccessible for many people,” babala ni Zubiri.

Sinuportahan ng senador ang apela ni Tourism Secretary Dita Angara-Mathay na muling pag-isipan ang restriksyon, na ganap na ipinatupad noong Marso 29, 2026, habang sinisikap ng gobyerno na ma-decongest ang NAIA sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng landing at takeoff slots para sa mas malalaking eroplano.

Dahil sa polisiya, napipilitan ang mga pasaherong patungo sa mga sikat na island destinations tulad ng Siargao, Coron at El Nido na gumamit ng Clark International Airport o sumakay ng connecting flights sa iba pang regional hubs, na nagdaragdag ng travel time, gastos sa transportasyon at logistical difficulties sa dati ay mas maginhawang biyahe.

“Secretary Angara-Mathay is absolutely correct, we need to allow turboprops back at NAIA. Doble ang gastos ng mga tao kung kailangan pa nila pumunta ng Clark para makalipad sa Siargao, Camiguin o sa Coron. And not a lot of people are willing or able to do that, as we can see from our stagnating tourism industry,” giit ni Zubiri.

Ang mga traveler na lilipat mula NAIA patungong Clark ay kailangan ding magtiis sa biyahe sa kalsada na maaaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras, depende sa trapiko, habang nagbabayad ng karagdagang gastos sa transportasyon bago pa man makasakay sa kanilang domestic flights.

Para sa mga pamilyang magkakasamang nagbibiyahe, sinabi ni Zubiri na ang dagdag na gastos ay madaling makakain sa kanilang vacation budget, na maaaring makapagpahina ng loob nila na bumisita sa mga lokal na destinasyon at pagkaitan ng kinakailangang kita ang mga komunidad na umaasa sa turismo.

“Mas pinipili pa ng mga kababayan natin na magbakasyon sa Vietnam o sa Taiwan, kasi mas mura pa ang flights doon kesa sa sarili nating mga probinsya,” pahayag niya.

Binigyang-diin ng senador mula sa Bukidnon na nagpahayag na siya ng pagkabahala sa polisiya kahit bago pa man ito ganap na ipatupad, at iginiit na ang pag-decongest sa NAIA ay dapat isinagawa nang hindi isinasakripisyo ang maginhawang access sa mga regional tourism destinations ng bansa.

“Last year ko pa sinasabi ito, bago pa ‘yung ban. Transferring all turboprops out of NAIA was a problematic move. Yes, Clark should get its share of turboprops, to service people in nearby provinces. But completely banning them from NAIA is not the way to go,” aniya.

Kinilala ni Zubiri ang kahalagahan ng pagpapaunlad sa Clark bilang isa pang pangunahing aviation gateway ngunit binigyang-diin na ang mga pasahero mula sa Metro Manila at mga karatig na lugar ay dapat manatili ang maginhawang access sa mga domestic destinations, lalo na habang hindi pa tapos ang maaasahang rail connectivity sa pagitan ng kabisera at Clark.

Binigyang-diin din niya na ang pagpapadali ng access sa mga domestic destinations ay susuporta sa mga hotel, resort, restaurant, transportation operator at maliliit na negosyo na ang kabuhayan ay nakasalalay sa tuloy-tuloy na daloy ng mga bisita.

“I always say tourism is a low-hanging fruit for us. We have spectacular beaches and mountain ranges and cuisine. There is a lot to discover all over the country, for foreigners and Filipinos alike. But tourists will not come unless we have an efficient tourism infrastructure,” pahayag ni Zubiri.

Hinimok niya si Department of Transportation Sec. Vince Dizon at ang Manila Slot Coordination Committee na muling suriin ang restriksyon at makahanap ng workable arrangement na magpapahintulot sa muling pag-operate ng turboprop sa NAIA habang pinapanatili ang pagsisikap na pagbutihin ang kahusayan ng paliparan.

“I hope the Department of Transportation heeds our call. Bringing turboprops back to NAIA is a vital move for our tourism industry.” Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here