Home NATIONWIDE Mga mananaya, bokya sa P357-M Grand Lotto jackpot

Mga mananaya, bokya sa P357-M Grand Lotto jackpot

1
0

MANILA, Philippines — Walang nakapag-uwi ng mahigit ₱357 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 11.

Batay sa resulta ng PCSO draw, walang nakahula sa winning combination na 19-04-27-54-22-48, na may katumbas na jackpot prize na ₱357,001,590.56.

Wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45 na may jackpot na ₱15 milyon.

Ang lumabas na winning numbers sa Mega Lotto ay 25-37-01-44-10-31.

Dahil walang nakakuha ng dalawang jackpot, madaragdagan pa ang premyong maaaring mapanalunan sa mga susunod na draw.

Nakatakda ang susunod na Grand Lotto 6/55 draw sa Sabado, Nobyembre 14, habang ang Mega Lotto 6/45 ay muling bubunutin sa Biyernes, Nobyembre 13. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here