MANILA, Philippines — Arestado ang anim na suspek sa pagholdap sa isang Alfamart convenience store sa Gapan City, Nueva Ecija, matapos matunton ng pulisya sa Alaminos, Laguna, ilang oras lamang matapos ang krimen.
Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3), naaresto ang mga suspek dakong alas-3 ng madaling araw nitong Miyerkules, Nobyembre 11, sa pinagsanib na operasyon ng mga pulis mula Central Luzon at Calabarzon.







