Manila, Philippines – Malaking karangalan sa industriya ng pagpapaganda at kosmetiko sa Pilipinas ang iniulat na pagkilala kay Dr. Mary Rose ‘Rahm’ Dagdag bilang Best Skincare Formulator for PDRN Product sa prestihiyosong 22nd Japan Bioformulation 2026.
Si Dr. Rahm ay isang sikat na Filipina cosmetic chemist, skincare formulator, entrepreneur, at founder at CEO ng ZY Shop Worldwide Company at ZY BioScience Corporation.
Ang naturang pagkilala ay isa na namang mahalagang yugto sa kanyang mahigit isang dekadang paglalakbay sa mundo ng negosyo, cosmetic science, at skincare innovation.
Ang kanyang kompanya ay nakatuon sa skincare formulation, cosmetics manufacturing, private-label rebranding, at entrepreneurship development.
Hindi biro ang larangan ng cosmetic formulation, lalo na sa patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya at mga sangkap na ginagamit sa skincare products.
Isa sa mga pinagtuunan ng pansin ni Dr. Rahm ang Polydeoxyribonucleotide o PDRN, isang sangkap na pinag-aaralan sa larangan ng skin science at nagiging popular sa mga modernong skincare formulation.
Sa kanyang product development, pinagsasama ang PDRN at iba pang skincare ingredients gaya ng peptides, hyaluronic acid, niacinamide, at ceramides upang makabuo ng mga produktong nakatuon sa skin hydration, conditioning, at pagpapaganda ng hitsura ng balat.
Para kay Dr. Rahm, hindi lamang basta paggawa ng beauty products ang skincare formulation. Mahalaga rin ang siyensiya, pananaliksik, kalidad, at kaligtasan ng bawat produktong inilalabas sa merkado.
Bago ang mga tagumpay sa negosyo, nagsimula si Dr. Rahm sa isang simpleng pangarap: ang makapagtayo ng kompanyang hindi lamang kikita, kundi makatutulong sa ibang Filipinong gustong magkaroon ng sariling negosyo.
Sa pamamagitan ng ZY Shop Worldwide Company, nabigyan ng pagkakataon ang mga aspiring entrepreneur na makapagsimula ng sariling skincare at cosmetics brand sa tulong ng private-label manufacturing, rebranding, at product development services.
Kabilang sa mga produktong kanilang dine-develop ang facial serums, beauty soaps, sunscreens, skincare creams, at iba pang cosmetic formulations. Samantala, sa pamamagitan naman ng ZY BioScience Corporation, patuloy sa pagsulong si Dr. Rahm sa layuning mapaunlad ang cosmetic research at formulation capabilities ng mga Filipino.
Para kay Dr. Rahm, ang pagkilalang ito ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang inspirasyon para sa mga kapwa Filipino.
Pahayag niya, “I have always believed that Filipino talent can compete on the global stage. We do not need to limit our dreams to what is familiar or comfortable. Through education, research, perseverance, and faith in God, we can create innovations that make our country proud.”
Nang natanong pa siya, sinong celebrity endorser ang gusto niyang kunin?
Tugon ni Dr. Rahm, “If given a chance, gusto kong maging endorser si Kathryn Bernardo. Because aside from being a big star talaga and a good actress, Kathryn fits the morena skin in my formulation.”
Para sa Inquiries: ZY Shop Worldwide Company 29th Floor, High Street South Corporate Plaza Tower 2 Bonifacio Global City. JP Ignacio