Home NATIONWIDE 100,000 biyahero dumagsa sa PITX dahil sa mahabang holiday weekend

100,000 biyahero dumagsa sa PITX dahil sa mahabang holiday weekend

1
0

PARAÑAQUE CITY, Philippines – Umabot na sa 100,000 pasahero ang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil sa mahabang holiday weekend na idineklara sa Metro Manila kaugnay ng ASEAN Summit.

Batay sa ulat nitong Biyernes, mahahabang pila ang naitala sa terminal habang umuuwi sa kani-kanilang probinsya ang mga biyahero upang samantalahin ang tatlong araw na bakasyon.

Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahan pang dadami ang mga pasahero, lalo na sa Biyernes ng gabi at Sabado.

Kabilang sa mga dinarayong destinasyon ang Baguio, La Union at Batangas Port. Ayon kay PITX Director of Affairs and Government Relations Jason Salvador, kapansin-pansin na mas maraming biyahero ang pumipili ngayon ng mga pasyalan kumpara sa karaniwang dagsa tuwing Undas, Pasko at Semana Santa.

“What’s interesting this time is that unlike dun sa other high volume traffic natin like Undas, Pasko and Holy Week… Para makapagpahinga diba, umuuwi talaga sa mga hometown nila this time ang na observe natin ang mga naunang mapuno na mga biyahe natin yung mga pasyalan so meaning yung mga travel ngayon mostly pang gala,” ani Salvador.

“It’s a very long weekend diba so talagang inaasahan natin na talagang maraming tao ngayon lalo na mamayang gabi hanggang bukas,” dagdag niya.

Dahil sa dami ng pasahero, mas nahihirapan na ang ilan na makakuha ng tiket. May mga biyahero ring nag-ulat ng pagkaantala ng biyahe at mahahabang pila, habang ang iba ay handang maghintay sa mga dagdag na bus. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here