Home ENTERTAINMENT Bea Binene, tinaguriang bagong Horror Queen?

Bea Binene, tinaguriang bagong Horror Queen?

1
0

Manila, Philippines – Inanunsyo na may follow-up movie si Bea Binene pagkatapos ng matagumpay na movie team-up nila ni Wilbert Ross sa PeeMak, ang Pinoy adaptation ng Thai movie ng Asian heartthrob na si Mario Maurer.

Sa pagkakataong ito, hindi muna sila magtatambal ng kanyang love team partner.

Isang horror movie ang follow-up movie project ni Bea kung saan makakasama niya si Claudine Barretto.

Nag-react naman ang kibitzers sa nasabing development.

Ito ang ilan sa kanilang mga hirit:

“Pansin ko nga. Siya ang ginu-groom ng Viva bilang bagong horror queen.”

“Bagay sa kanya ang horror.”

“Ang galing kaya niya sa Pasahero. It’s pretty scary.”

“Iyong movie nila ni Claudine parang Sukob nina Kris at Clau ang feels.”

“Hehe. Hindi naman siya karakter sa The Addams Family.”

“Parang karakter sa morgue.”

“Dati na siyang gumagawa ng horror movies like Nokturno, Pasahero at Posthouse.”

“Career-changing talaga sa kanya ang pagiging blockbuster ng PeeMak na more than 100 million na ang gross.”

“Sana, huwag lang siyang ma-typecast sa horror. She’s a good dramatic actress.”

“Gusto ko ang trajectory ng career niya na di bet makulong sa love team.”

“Sana magkaroon sila ng project ni Barbie Forteza.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here