Home METRO 2 mamamahayag, 2 pulis sugatan sa protesta sa Cebu City

2 mamamahayag, 2 pulis sugatan sa protesta sa Cebu City

3
0

CEBU CITY, Philippines – Dalawang mamamahayag at dalawang pulis ang iniulat na nasugatan sa protesta laban sa Pax Silica initiative sa kahabaan ng Colon Street sa Cebu City nitong Lunes.

Itinanggi ng Cebu City Police na sila ang nagsimula ng komprontasyon at sinabing nagpatupad muna sila ng maximum tolerance sa kabila ng kawalan ng permit ng mga nagpoprotesta.

Ayon sa pulisya, nakialam lamang sila matapos umanong magsunog ng effigy ang ilang raliyista at tangkaing agawin ang isang fire extinguisher, na nagdulot ng tensiyon sa magkabilang panig.

Sinabi rin ng pulisya na bukas sila sa imbestigasyon kaugnay ng ulat na dalawang mamamahayag ang nasaktan sa insidente.

Kinondena naman ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Central Visayas ang naging aksiyon ng mga pulis. Binatikos din ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio ang umano’y marahas na dispersal sa mga nagpoprotesta.

Isinagawa ang demonstrasyon bilang pagtutol sa pagsali ng Pilipinas sa Pax Silica initiative at sa pagbisita ni United States President Donald Trump para sa 49th ASEAN Summit. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here