Manila, Philippines – Viral ang latest Instagram post ni Carla Abellana.
Timely o napapanahon in the sense na tungkol sa ASEAN Summit 2026 ang post ng Kapuso actress.
Here it is: “Budget sa bisita 22 billion, budget sa Pilipinas 22 pesos.”
Obyus na pasaring ito sa pamahalaan na “OA” ang ginastos sa naturang pagpupulong ng mga bansa–kung sàan dinaluhan ng mga heads of states o mula sa iba’t ibang bansa.
Pero obyus ding exagg ang ginamit na figures ni Carla, lalo na ang 22 billion budget.
Msyadong exospheric ang peg… exospheric daw, o!
But seriously, lolobo lang naman ang budget halimbawa kung kasamang dumalo ang isang state leader–na kailangang dagdagan ang security.
Posible itong mangyari lalo’t kung maraming kontra sa pagbisita nito sa bansa.
Lumayo pa tayo–for example, US President Donald Trump na dumating para sa ASEAN Summit.
Otherwise, mahirap paniwalaan ang “analogy” ni Carla.