Home NATIONWIDE PH, US, pinag-aaralan pagpapalawak ng ugnayan sa teknolohiya, superintelligence – PBBM

PH, US, pinag-aaralan pagpapalawak ng ugnayan sa teknolohiya, superintelligence – PBBM

4
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan ng Pilipinas at Estados Unidos ang posibilidad ng pakikipagtulungan sa larangan ng teknolohiya at superintelligence.

“Now we are also exploring new areas of cooperation, particularly in technology, where American leadership and innovation continue to lead the way,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa isinagawang bilateral meeting kasama si US President Donald Trump.

“We also see tremendous opportunities to work more closely through American leadership in superintelligence,” aniya pa rin.

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Pangulong Marcos na makahahanap ang Pilipinas at Estados Unidos ng mga bago at mahahalagang paraan upang higit pang palalimin at patatagin ang kanilang ugnayang pangkooperasyon.

Samantala, inilarawan naman ni Trump si Pangulo Marcos bilang kanyang “fantastic” at “great friend.”

“We’ve known each other for a long time. And I very much appreciate your welcoming me and us back to the Philippines as we reaffirm one of America’s oldest and most important alliances in the Pacific,” ang bahagi naman ng talumpati ni Trump.

“With this visit, we’re building on these ties to make our partnership even closer, although I don’t imagine it can get much closer because of the relationship that we’ve had for a long time,” dagdag na wika nito.

Samantala, ibinahagi ni Pangulong Marcos na inatasan niya ang kanyang mga tauhan na magpadala ng pagkain mula sa Jollibee, ang kilalang fast-food chain na nagmula sa Pilipinas, para kay Trump at sa kanyang delegasyon upang maipatikim sa kanila ang “lasa ng Maynila.”

Dumating si Trump sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules bilang bahagi ng kanyang state visit sa Pilipinas.

Si Trump ay nasa Pilipinas mula November 17-18.

Samantala, bilang paggunita sa 80 taon ng kanilang ugnayan sa larangan ng negosyo, diplomasya, at pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan, inilunsad ng Pilipinas at Estados Unidos ang bagong edisyon ng isang buklet na nagbibigay-diin sa matagal nang relasyon ng dalawang bansa.

Ang ikalawang edisyon ng buklet na pinamagatang “The Philippines Matters for America, America Matters for the Philippines” ay naglalayong gunitain ang walong dekada ng relasyong diplomatiko sa pagitan ng dalawang bansa. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here