Home NATIONWIDE Pinakamalaking kasunduan sa kalakalan sa pagitan ng US, Pilipinas, pormal nang natapos...

Pinakamalaking kasunduan sa kalakalan sa pagitan ng US, Pilipinas, pormal nang natapos – Trump

16
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni US President Donald J. Trump, araw ng Miyerkules na natapos na ng Pilipinas at Estados Unidos ang tinawag niyang “pinakamalaking kasunduan sa kalakalan na nagawa ng dalawang bansa.”

Inanunsyo ito ni Trump habang dumadalo siya sa isang luncheon kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang, bago ang kanyang pag-alis patungong China.

We’ve just consummated a very big trade deal, the biggest trade deal we’ve ever made by far, and it’s a fair deal for both countries, and we’re very happy with it,” ayon kay Trump.

“We didn’t know that that was going to take place, but it took place very quickly, and it’s a magnificent deal for both,” aniya pa rin.

Sa hiwalay na post sa Truth Social, sinabi ni Trump na ang kasunduan sa kalakalan ay isang “bago at lubos na naiibang” kasunduan na magiging kapaki-pakinabang para sa mga magsasakang Amerikano at sa mga negosyong may kaugnayan sa enerhiya.

Gayunman, wala pang inilalabas na mga tiyak na detalye ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila hinggil sa naturang kasunduan nang hingan ito ng pahayag. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here