Home METRO Mga abong ibinigay ng pet crematorium sa Cavite, ‘di tunay na labi...

Mga abong ibinigay ng pet crematorium sa Cavite, ‘di tunay na labi ng mga alagang hayop – NBI

10
0

MANILA, Philippines – Hindi tunay na abo ng mga alagang hayop ang ibinigay ng isang pet crematorium sa Bacoor, Cavite sa mga fur parent, batay sa forensic examination ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Philippine Animal Welfare Society Executive Director Anna Cabrera, natukoy sa pagsusuri na naglalaman ang mga abo ng silicon, iron, potassium at aluminum.

Samantala, nauna nang nadiskubre ang mga labi ng hindi bababa sa 27 aso at dalawang pusa na itinapon sa isang bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte City, Bulacan.

Iniimbestigahan ng mga pulis ang posibleng maling pagtatapon ng mga labi ng hayop at ang umano’y panloloko kaugnay ng insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here