Home NATIONWIDE Kooperasyon sa mga usaping pandagat, nais palakasin ng Pinas, Vietnam

Kooperasyon sa mga usaping pandagat, nais palakasin ng Pinas, Vietnam

3
0

SHENZHEN, China – Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes kay Vietnamese President To Lam sa sidelines ng 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting upang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga usaping pandagat.

Kapwa nasa Shenzhen, China ang dalawang lider para sa APEC Summit. Tinalakay rin nila ang mga usapin tungkol sa seguridad sa pagkain, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sinabi pa ng PCO, ipinahayag din ni Pangulong Marcos ang buong suporta ng Pilipinas sa Vietnam bilang punong-abala ng APEC sa 2027.

Ngayong taon, ang China ang nagsisilbing host country ng naturang mataas na antas na pagtitipon ng mga lider sa ekonomiya.

Sa kabilang dako, muling pinagtibay ng dalawang lider ang pangako ng kani-kanilang bansa na palakasin ang kooperasyong panrehiyon at isulong ang sama-samang kaunlaran,” ayon sa PCO. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here