Manila, Philippines – Sa chikahan nina Ogie Diaz at Yassi Pressman, sinabi ng aktres na kampante siya sa katapatan sa kanya ng dyowang si Luigi Villafuerte.
Katunayan, diretsahan niyang sinagot ang usapin tungkol sa mga politikong babaero o hindi umano tapat sa kanilang karelasyon.
Iginiit ng aktres na hindi ganoong lalake ang kanyang fiancé.
Ayon pa kay Yassi, natagpuan niya kay Luigi ang isang partner na nagbibigay sa kanya ng seguridad at pagpapahalaga. Wala rin umanong ibinibigay na dahilan ang gobernador para makaramdam siya ng pagdududa o insecurity sa kanilang relasyon.
Dagdag pa niya, malaki ang tiwala niya kay Luigi dahil palagi nitong binibigyang-prayoridad ang kanilang relasyon.
Pagdating naman sa kanyang constituents, ever present o lagi raw nagpaparamdam ang kanyang nobyo.
Katunayan, sinasamahan daw niya ang gobernador para suportahan ang mga programa nito sa kanyang mga nasasakupan.
Bagama’t engaged na raw sila ng boyfriend, di pa raw niya bet i-divulge kung kailan sila pakakasal.
Sa nasabing panayam sa vlog ni Ogie, ibinahagi rin niya ang malaon na niyang hinihiling: ang muli silang magkasundo ng ina.
Aminado naman kasi siyang nagkaroon sila ng sigalot noong nabubuhay pa ang kanyang ama.
Sa naturang tsikahan, tinalakay din niya ang bagong yugto ng kanyang career bilang film producer, partikular ang karanasan sa pagpo-produce ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.
Aminado siyang maraming hamon ang pagiging hands-on sa produksyon pero kapalit naman nito ang kakaibang fulfillment. Archie Liao