Manila, Philippines – Iba talaga ang karakter ni Kris Aquino.
Kakaaliw pa rin siya kahit may pinagdadaanan ang kalusugan.
Naroon pa rin kasi ang kanyang pagiging prangka at minsan ay ang pagiging taklesa na lab naman ng madlang pipol.
Sa live selling nila ng anak na si Bimby para sa isang online shopping platform ay may naitsika ng tinaguriang Queen of All Media ang tungkol kay James Yap.
Aniya, nagkita raw sila ni James sa isang ganap kasama ang kanilang bunso.
Katunayan, binati pa raw niya ang ex sa kanilang pambihirang encounter.
In-acknowledge naman daw siya ni James na noon ay kasama ang dyunakis.
Naibahagi pa ni Kris na walang kagatol-gatol na ipinaalala niya sa ex ang tungkol sa utang nito sa kanilang anak na si Bimby.
Medyo natameme naman si Bimby at tila naging uncomfortable ang tungkol sa obligasyon ng ama.
Giit naman ni Kris, deserved daw ni Bimby ng regalo kahit na isang kotse sa kanyang tatay.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa nasabing video nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Hahaha. Karakter talaga si Kris, siningil talaga kay James ang utang kay Bimby.”
“Karapatan naman iyon ni Kris na igiit para sa kanilang bunso.”
“James, baka makalimot ka. Utang mo raw kay Bimby.”
“As what she said, she’s on speaking terms naman pala sa exes niya na fathers nina Josh at Bimb.”
“Ang maganda rin sa kanya, never niyang siniraan ang exes niya sa kanyang mga anak.”
“Kris raised her kids on her own. She’s speaking about paternal responsibility ni James kay Bimby not necessarily financial support.”
“May pahabol talagang singil kay James para kay Bimby.” Archie Liao