Home ENTERTAINMENT Arjo at Maine, hiwalay na naman daw!

Arjo at Maine, hiwalay na naman daw!

6
0

Manila, Philippines – Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde, hiwalay na daw–bago?

Kung susuriin nga’y hindi na bago sa pandinig ang ulat na ito–na pakana na naman ng mga Marites.

Ang isyu nila’y dahil hindi na raw magkasamang dumadalo ang celebrity couple sa kanilang family affairs.

Halimbawa na lang ay ang no-show ni Arjo sa birthday celebration ni Maine, same with Maine na wala din daw sa mga Atayde gatherings.

Teka, March ang birth month ni Maine–November pa lang ngayon…okey lang silang mga nagkakalat?!

Pinaksa kasi ito sa Showbiz Update ni Ogie Diaz.

Marami daw kasing nagtatanong kay Ogie kung totoong hiwalay na ang mag-asawa.

“Sila pa ba?” tanong daw kay Ogie.

Sagot naman ni Ogie, parang obligasyon ng mga showbiz couples na magpakita sa kanila from time to time, ganoon ba?

“Parang assignment ng mga couples?” saad ng vlogger cum talent manager.

Kaya ipinarating ni Ogie sa publiko: “Sila pa rin po!”

In fact, may video sa Reddit showing Arjo and Maine at the backstage of the musical play Bongga Ka, ‘Day: The Annie Batungbakal Story.

Hihirit pa kayo? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here