Home ENTERTAINMENT Sofronio, tinawag na mayabang at laos, sumagot!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sofronio, tinawag na mayabang at laos, sumagot!November 19, 2026 12:4860 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Interesado si Sofronio Vasquez na mapabilang sa Kailangan Kita, ang musical tampok sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.Nakatakda itong itanghal sa May 2027 sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila sa Pasay City.Personal nang kinausap ng grand champion ng The Voice USA 2024 si Ogie.Ani Sofronio, willing siyang mag-audition tulad ng mga gustong maging bahagi nito.“Nagprisinta ako,” aniya sabay winelkam siya pag ongoing na ang auditions.“Will do the process. Kung hindi man ako mapili, okey lang sa akin.“I don’t think it’s bad na ma-turn down.”At alam n’yo bang sa kabila ng tagumpay ni Sofronio, he has remained simple in life?Sa katunayan, he takes the MRT o namamasyal sa mga mall nang walang kasamang alalay.Hindi din siya nagsusuot ng face mask, pero nirerespeto daw niya ang ibang kapwa artist for security reasons.Proud daw siya’t kilala siya ng publiko: “I’m happy.”Paano na ‘yung mga nagsasabi o tinatawag siyang mayabang–at sinasabihang laos na, gaya sa online?“Bakit naman ako laos, eh, pag sinabing laos ka, sumikat ka. I don’t consider myself sikat.“I consider myself as working. Kung tawagin nila akong sikat, thank you pero I still have room to grow.“Marami pang pagkakataon to prove myself sa audience. I Will make more music and I’m still making music.” Ronnie Carrasco III