MANILA, Philippines – Isang maswerteng bettor ang nag-iisang nakakuha ng P26,912,539.06 jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 19.
Ayon sa PCSO, nakuha ng solo winner ang tamang kombinasyong 15-40-08-34-23-10 sa 9 p.m. draw.
Samantala, walang nakakuha ng P120,557,444.82 jackpot sa Superlotto 6/49 na may winning combination na 23-24-10-02-09-37.
Wala ring nanalo sa 6D Lotto na may jackpot na P9,422,122.80 at winning combination na 5-8-3-2-1-9.
Maaaring beripikahin ng mga bettor ang kanilang mga numero sa opisyal na website ng PCSO. RNT