Home HOME BANNER STORY Shear line, makaaapekto sa Luzon ngayong weekend; inaasahang hihina, mawawala sa Lunes

Shear line, makaaapekto sa Luzon ngayong weekend; inaasahang hihina, mawawala sa Lunes

1
0

MANILA, Philippines – Inaasahang hihina at mawawala pagsapit ng Lunes, Nobyembre 23, ang epekto ng shear line na nagdudulot ng pag-ulan sa Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Gayunman, magdadala pa rin ito ng 50 hanggang 100 milimetrong ulan sa ilang bahagi ng silangang Luzon ngayong weekend.

Ayon kay PAGASA weather specialist John Manalo, mula Biyernes hanggang Sabado ng hapon, makararanas ng ganitong dami ng ulan ang Cagayan at Isabela.

Mula naman Sabado ng hapon hanggang Linggo ng hapon, patuloy na uulan sa Cagayan at Isabela at maaapektuhan na rin ang Aurora.

“Eventually, by Monday, it will recede, the influence of shearline will disappear,” ani Manalo sa public weather forecast.

Samantala, inaasahang babawasan na sa Sabado ang maulap na kalangitan at pag-ulan sa Metro Manila. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here