Home NATIONWIDE Pilipinas, Finland, palalakasin kooperasyong pandagat

Pilipinas, Finland, palalakasin kooperasyong pandagat

1
0

MANILA, Philippines – Tinalakay ng Pilipinas at Finland ang pagpapalalim ng kanilang kooperasyong pandagat sa pagbisita ni Finnish Ambassador Saija Nurminen sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Nobyembre 19, 2026.

Tinanggap ni PCG Commandant Admiral Rommel Supangan si Ambassador Nurminen sa punong tanggapan ng PCG sa Port Area, Manila, para sa isang courtesy at introductory visit.

Sentro ng kanilang pag-uusap ang pagpapalakas ng ugnayan ng PCG at Finnish Border Guard (FBG), kabilang ang panukalang Memorandum of Cooperation (MOC) na magsisilbing gabay sa kanilang pagtutulungan.

Kabilang sa mga planong kooperasyon ang pagsasanay at pagpapahusay ng kakayahan ng mga tauhan, pagsasagawa ng joint exercises at pagpapalitan ng mga eksperto.

Layunin nitong mapahusay ang kakayahan ng dalawang ahensya sa maritime safety at security, gayundin ang pagbabahagi ng kaalaman at mga pinakamahusay na pamamaraan sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin.

Nagpasalamat naman ang PCG kay Ambassador Nurminen sa patuloy na suporta ng Finland sa ugnayan ng dalawang bansa at tiniyak ang pagpapatuloy ng kooperasyon para sa mas ligtas at matatag na karagatan sa rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here