MANILA, Philippines – Sa kanyang unang araw bilang pinuno ng Korte Suprema, nangako si Chief Justice Rodil Zalameda na pangangalagaan niya ang integridad at kalayaan ng hudikatura.
Sa kanyang unang flag-raising ceremony nitong Lunes, binigyang-diin ni Zalameda na sa ilalim ng kanyang pamumuno, at walang tinatawag na “Zalameda Court.”
“There is no Zalameda Court. There is only the Supreme Court of the Philippines, comprising us all, answering only to the people.”
“To my colleagues, I am here to work with and for the Court. The way I see it, I am simply its humble representative.”
Sinabi ni Zalameda na makabuluhan ang okasyon dahil ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga personnel ng Korte Suprema bilang Chief Justice.
Tinanggap ni Zalameda ang tungkulin nang may “humility, independence, and determination.”
Nangako siyang maglilingkod bilang isang “servant of justice” hanggang sa huling araw niya sa puwesto.
Mensahe niya sa bayan: Ang Korte Suprema ay hindi pag-aari ng isang tao — ito ay para sa taumbayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden