Home ENTERTAINMENT Direktor na nagpakalat na buntis si Kim, nagsalita na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Direktor na nagpakalat na buntis si Kim, nagsalita na!November 23, 2026 14:25110 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Isang mahalagang paglilinaw ang pinakawalan ni direk Tony Mark tungkol sa isyung isinasangkot siya.Siya daw kasi ang nakakita sa “buntis” na si Kim Chiu sa Edmonton, Canada.Kesyo binati pa daw niya ang kalagayan ng TV host-actress.Obyus na clueless daw si Tony sa kumakalat na tsismis sa Pilipinas that Kim is heavy with a child by her rumored boyfriend Paulo Avelino.Pero sa isang tabloid program, mariing itinanggi ni Tony na siya ang gumawa ng ngayo’y deleted nang post.Aniya, nasa Fort McMurray daw siya when he was told na nag-viral daw ang kanyang post.Giit niya, hindi daw siya gumagamit ng account sa Threads.At lalong walang katotohanan daw na nagkita sila ni Kim sa airport o saanmang lugar sa Edmonton.Humingi na daw si Tony sa Meta ng info na magpapatunay kung siya ang may-ari ng account in question.Idinulog na din daw ni Tony ang naturang kaso sa mga lokal na awtoridad para aksyunan ang kanyang reklamo.Tony even apologized to Kim, hoping he’d be able to personally talk with her.Sa ngayon, inaalam din kung na-hack ang account na pinagmulan ng lahat ng kontrobersyang ito.Klaro! Ronnie Carrasco IIi